-- Advertisements --

CEBU CITY – Matagumpay na nasabat ng mga pulis sa pangunguna ni Colonel Glenn Mayam, hepe ng Regional Intelligence Division (RID) ng Police Regional Office (PRO-7) ang hinihinalang shabu na umabot sa 10 kilos kagabi, Hunyo 14, 2022.

Ito ay matapos magsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit-7 at Philippine Drug Enforcement Agency-7 sa dan P. Del Rosario Extention sa Barangay Sambag 1, Cebu City.

Arestado sa nasabing operasyon sina Jacquelyn Baron, 49, at Cornilio Baron, 39, tubong Barangay Urban sa San Carlos City, Negros Occidental.

Aabot sa P68 milyon ang halaga ng shabu base sa street drug price (SDP) ito.

Ibinunyag ni Mayam na umabot pa ito dalawang buwan bago natapos ang transaksyon at ibiniyahe pa ng barko ang nasabing droga papunta ng Cebu.