-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mga matataas na kalibre ng armas at bulto ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA )12 sa isinagawang buybust operation sa Alamada, North Cotabato.

Ayon kay Kath Abad, spokesperson ng PDEA 12 na ang kanilang target sa operasyon ay si Pilong Selangan, lider ng grupo na responsable sa pagsuplay ng druga sa Cotabato Province.

Dagdag ni Abad na hindi nahuli ang target na isang high prifle drug personality subalit naaresto naman ang dalawa nitong mga kasama na kinilala na sina Ali Adapan at Usman Salangan na kapwa residente ng Alamada.

Nakuha ang dalawang malalaking sachet ng pinaniniwalaang shabu na may market value na P680,000.


Nakumpiska din ang tatlong Garand rifles, upat na M16 rifles, M14 rifle at improvised M79 grenade launcher , mga handheld radio, celphone at P1,000 na buybust money.