-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Masayang sasalubungin ng nasa 1,933 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay ng mga Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang kapaskuhan matapos maisagawa ang payout na abot sa P7,113,440 sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City.

Ang TUPAD payout ay naisakatuparan dahil sa pagtutulungan ng pamunuan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, tanggapan ni TUCP Partylist Representative Raymond Democrito C. Mendoza at Department of Labor and Employment (DOLE) regional and provincial Offices.

Tatanggap ng P3,680 ang bawat benepisyaryo na nagmula sa labing-walong bayan ng lalawigan bilang kaukulang bayad sa kanilang sampung araw na community work.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Governor Mendoza ang kanyang pasasalamat kay President Ferdinand “Bong-Bong” Marcos, Jr., TUCP Partylist at DOLE XII dahil sa mga programa at tulong na ibinibigay sa probinsya.

Hinikayat din ng gobernadora ang lahat na makipagtulungan at huwag mag-aalinlangang dumulog sa tanggapan ng mga lokal na pamahalaan upang maayos na maibigay ang mga serbisyong kinakailangan ng mga ito.

Nasa naturang aktibidad din sina DOLE XII Supervising CEO Ernesto Coloso, 2nd District Board Member Ryl John C. Caoagdan, Provincial IPMR President Arsenio Ampalid, at iba pang kawani ng Provincial Governor’s Office at DOLE.