Inaasahang makakabawi umano ng hanggang P7.2 billion ang mga negosyo sa Metro Manila sa loob ng dalawang linggo matapos na ilagay sa mas maluwag na Alert Level 2.
Ayon sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA), ang National Capital Region (NCR) ay maaaring kumita ng hanggang P3.6 billion sa economic output at makapagbigay ng dagdag pang 16,000 jobs kada linggo bunsod nang pinaluwag na restrictions.
Ang Metro Manila ang itinuturing na pangunahing economic center ng buong bansa.
Batay nga sa desisyon ng IATF mananatili ang Alert Level 2 status sa NCR hanggang November 21.
Ikinatuwa naman ng Tourism Congress of the Philippines (TCP) ang pagpapababa pa ng alerto sa NCR na makakatulong umano sa unti-unting pagrekober ng tourism sector lalo na at papalapit ang Christmas.
Welcome din naman para kay Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Sec. Joey Concepcion ang naturang development.
Aniya, sa pagkakataong ito dapat ang mga probinsiya naman ang tutukan sa paspasang vaccination drive laban sa COVID-19 para mabilis na maabot ang 70 porsyento ng popolasyon sa bansa.