-- Advertisements --

Nasabat ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Presinto 6 o Sawang Calero Police Station sa Cebu City Police Office ang mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7.3 milyon.

Kinilala ang nadakip na si Juhndel Abanid, 22 taong gulang, dating trabahador sa isang refilling station, at nakatira sa A. Lopez, Brgy.Calamba, Cebu City. Nabatid na dati nang nakulong si Abanid dahil sa kahalintulad na paglabag at nakalaya noong 2018.

Depensa ng suspek na inutusan lamang siya sa transaksyon. Narekober sa mga arestado ang 43 na medium size ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 1,075 grams at P75,000 na buybust money. kasong paglabag sa Section 5 (selling) at Section 11 (possession) ng Article 2 RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinaayos laban sa drug suspect.

Ayon naman kay PRO7 Regional Director Police Brigader General Jerry Bearis na makikipagtulongan sila sa mga taga pamahala ng Cebu City Jail sapagkat nasa loob ng nasabing kulongan ang supplier ni Abanid. Dagdag pa nito na magsilbi sana itong mensahe sa mga illegalista na seryuso ang kapulisan ng rehiyon sa kanilang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.