-- Advertisements --

CEBU CITY – Itinuring na isang malaking operasyon ang kamakailan lang ikinasang drug buybust operation sa Brgy.Guadalupe, sa lungsod ng Cebu ng City Intelligence Unit ng Cebu City Police Office(CCPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7).

Ayun ito sa hepe ng City Intelligence Unit nga si PMajor Randy Caballes dagdag pa nito, nagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa dalawang high value individual nakuhanan ng Php 7.4-M worth of suspected shabu.

Kinilala ang dalawang suspek na sila Michael Cavan 42 anyos at Felix Nisnisan 34 anyos na dating nang nakulang dahil sa kaparehong kaso sa nakaraang buwan ng Mayo at Hunyo.

Sa pagkalaya nito, agad isinailalim sa surveillance si Nisnisan at napag-alaman na bumalik ito sa dating bisyo at pinaniniwalaan na nakaka-dispose ng hanggan sa dalawang kilo ng shabu kada linggo.