Kabilang ang P7.5 billion budget para sa Southeast Asian Games (SEA Games) sa pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ibinalik sa Department of Budget and Management (DBM).
Pahayag ito ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. nitong Martes matapos tanungin siya sa Twitter kung bakit naisama ang budget sa SEA Games sa pondo ng DFA at hindi sa Philippine Sports Commission (PSC).
Bagamat hindi na sinabi pa ni Locsin kung kailan ito naisauli, tiniyak naman nito na naibalik na ang naturang pondo sa DBM.
“Cabinet was stunned I returned the money, but I said I don’t want it. I don’t like sports in general,†ani Locsin.
Nauna nang kinuwestiyon ng Senado ang pagkakasama ng SEA Games budget sa pondo ng DFA noong Disyembre 2018.
Ayon kay Senate minority leader Franklin Drilon, hindi dapat na ibigay sa DFA ang pondong ito dahil hindi naman bahagi ng mandato ng foreign affairs department ang sports promotion.