CEBU – Nasa kabuuang P7.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Cebu at Talisay noong Huwebes, Nobyembre 25, 2022.
Naitala sa Barangay Buhisan ang pinakamalaking paghakot ng droga sa tatlong operasyon kung saan apat na lalaki ang naaresto ng may 700 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4.7 milyon.
Kinilala ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office sa Central Visayas ang mga suspek na sina Joselito Tabalino, 38, residente ng Barangay Buhisan; Charles Bacalla, 28; Danny Montemor, 19, at tiyuhin nitong si Maximo Montemor Jr., 33, residente ng Barangay Tisa.
Makalipas ang dalawang oras matapos ang Buhisan bust, naaresto rin ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng Cebu City Police Office (CCPO), ang dalawang lalaki na may 405 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.7 milyon sa Barangay San Nicolas Proper.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Allan Madrid Rosario, hepe ng CCPO-CIU, ang dalawang lalaking ito na sina Reymundo Olasco, 28, at kasamahan nitong si Glanes Agusto, 26, kapwa residente ng Barangay Duljo Fatima.
Kinilala ni Rosario si Olasco bilang isang high-value na indibidwal sa usapin ng iligal na droga.
Sa Talisay City, tatlong lalaki ang naaresto sa Barangay Lagtang na may 25.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P174,080.
At kinilala ang mga suspek na sina Cyrus Cabras, Ferdinando Dela Serna, at Waren Caballero, pawang mga residente ng Barangay Lagtang.