-- Advertisements --

Sisilipin ng binuong technical working group ng House Committee on Ways and Means ang mahigit P7 billion umano na unrealized revenue ng Bureau of Customs (BOC) bunsod ng irigularidad sa National Value Verification System (NVVS).

Sinabi ng chairman ng komite na si Albay Rep. Joey Salceda na P7.8 billion ang dapat na kitang makokolekta sana ng BOC mula July 2019 hanggang January 2020.

Dahil dito, gagawa aniya ng pag-aaral ang bubuuing TWG Sa kung anong mga hakbang na gagawin upang mahinto ang mga pang-aabuso sa NVVS.

Sa pagdinig ng komite nitong araw, natalakay ang sulat ng BOC na nakikiusap na payagan silang maglatag ng safety measures bago ipahinto ang NVVS.

Natukoy na may mga kargamentong pumapasok sa bansa na dumadaan sa inspeksyon dahil sa Super Green Lane na ito dumadaan.

Mayroon naman na accredited importers ang hindi na rin daw kailangan pang dumaan sa inspeksyon sa BOC.