CAGAYAN DE ORO CITY-Sumiklab ang dalawang sunog sa magkaibang Barangay sa Cagayan de Oro City kahapon.
Unang nasunog ang dalawang residential house at dormitoryo na pagmamay-ari ni Eduardo Yee sa Zone 2, Vamenta Boulevard, Barangay Carmen.
Sinabi ni SF03 Samson Velarde, station commander ng Carmen Fire station na nag-overheat na appliances ang kanilang nakikitang dahilan sa naturang sunog na umabot pa sa ika apat na alarma at nakapaglata ng mahigit P2.5 milyon na danyos.
Pasado alas otso ng kagabi nang sumiklab ang panibagong sunog na nangyari sa Julio Pacana Barangay Puntod nitong lungsod.
Dalawang bodega ang nagliyab na pagmamay-ari ni Jack Lou Sy at Henry Yu na naglalaman ng mga sibuyas at gulong.
Ayon kay BFP District City Fire marshal Supt Allan Cabot na nagpapatuloy pa ang kanilang ginagawang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog na umabot din sa ika apat na alarma.
Una ng sinabi ni Cabot na ng bumalik ang kuryente matapos ang brownout ng namalayan ang pagliyab ng mga bodega na nagresulta sa 3.6 milyon pesos na damyos.