-- Advertisements --
Nasa P7 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa Roxas Boulevard sa Pasay City.
Sinabi ni Levi Ortiz, director ng special enforcement service ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakuha ang droga sa isang labandera.
Base sa imbestigasyon na inalok ang suspek ng isang lalaki na bibigyan ito ng P20,000 kapag naideliver nito ang bag na naglalaman pala ng droga.
Itinanggi ng naaresto na alam niyang droga ang laman ng bag na ipinakiusap sa kaniya.