CEBU CITY – Hinahanap ngayon ng Regional Mobile Forces Battalion (RMFB-7) ang may-ari ng malawak na taniman ng marijuana sa Brgy. General Clemaco, lungsod ng Toledo, Cebu.
Ito ay matapos na kanilang binunot sa isinagawang operasyon ang libu-libong stalks at seedlings ng marijuana na nagkakahalaga ng P7 million.
Ayon sa officer-in-charge ng RMFB-7 na si Lt. Col. Wilbert Parilla na unang kinumpirma ng mga intelligence personnel ang naturang taniman base sa kanilang pagpapatrolya.
Kaya isinagawa ang pagbunot at pagsunog ng 10,000 stalks at 15,000 seedlings ng marijuana ngunit wala silang wala silang maabutang mga caretakers nito.
Dagdag pa ni Parilla na ive-verify nila kung privately-owned ba ang lupain na tinatamnan ng marijuana.
Aalamin din ng mga barangay officials kung sino ang palaging bumisita sa malawak na marijuana plantation.
Hawak na ng PNP-Crime Laboratory ang ilang samples ng marijuana upang isailalim ito sa pagsusuri.