-- Advertisements --
Natuklasan at sinunog sa bayan ng Tinglayan, Kalinga, ang aabot sa P7.4 milyong halaga ng marijuana.
Nasa 22, 500 marijuana plants ang nakita sa 2 plantasyon sa Barangay Buscalan, habang sa 2 ring taniman naman sa Barangay Butbut ay natuklasan din ang 14, 700 fully-grown plants.
Nadiskubre ito ng mga awtoridad na nakatanim sa pulic land na itinuturing na communal forest.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang sangkot sa pagtatanim ng marijuana sa lugar.