-- Advertisements --

Tahasang ikinumpara ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa talbog na tseke na walang pondo ang unprogrammed funds na nagkakahalagang P70 bilyon sa 2021 proposed national budget na nakalaan para sa pagbili ng bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19).

Sa isang pahayag, muling nagpaaalala si Drilon sa umano;y kawalan ng malinaw na pagkukunan ng pondo sa pambili ng bakuna upang mailigtas ang 60-milyong Pilipino sa 2021.

Ayon kay Drilon, may pag-aalinlangan kung paano makukuha ng pamahalaan ang P70-bilyon man lang sa susunod na taon para ipambili ng bakuna dahil P2.5-bilyon lamang ang ginarantiyahan sa ilalim ng 2021 spending outlay.

“It is unfortunate that in these uncertain times, the budget is creating additional uncertainty. This makes Filipinos wary about the future,” wika ni Drilon.

Ipinag-aalala rin ng senador ang kawalan ng pagkukunan ng kita upang pondohan ang P70 bilyon sa unprogrammed funds para sa pambili ng bakuna.

“It is like we issue a check without adequate funding. Sana po hindi mag-bounce,” ani Drilon.

“Our health system unfortunately at this stage is a big question mark to me because of the very fluid plans for the acquisition, funding of the vaccine and the logistical expense that goes with it. No definite revenue source is identified,” punto pa ng mambabatas.

“The comfort level is not very high that we can achieve a certain degree of confidence insofar as our public health is concerned. I guess we just have to look up at the sky and pray.”