-- Advertisements --

Arestado ang walong suspek matapos na makuhaan ng 10 kilo ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng PNP Drug Enforcement Unit at Meycauayan Police sa,Meycauayan City, Bulacan.


Kinilala ng PNP Bulacan ang mga naarestong suspek na sina Sandy Domingo, 41-anyos, Nida Barrientos, 54-anyos, Rhodora Jose, 43- anyos, Christian Villaflores, 39-anyos, Milky Joy Principe, 33-anyos, Kevin Limbo, 27-anyos, Bernard Flores, 46-anyos at Clifford Bello, 35- anyos.

Unang naaresto sa ikinasang buybust sa Centro 2, Brgy. Pantoc,Meycauayan City, si Domingo at dalawang babaeng suspek kung saan nakuha ang 100 gramo ng shabu at isinumbong ang iba pa niyang kasamahan.

Sa follow-up operation sa Pandayan road, Brgy. Pandayan
Meycauayan City, naaresto naman ang ibang suspek at nakuha ang iba png kilo-kilo ng shabu.

Sa ngayon nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Anti-Illegal Drugs Law.