LEGAZPI CITY – Bilyun-bilyon umano ang madaragdag sa koleksyon ng revenue collecting agencies sa bansa kung matutuldukan na ang kurapsyon.
Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, mismong ang Office of the Ombudsman ang naghayag na nasa P700-billion ang naku-kurakot sa bansa sa bawat taon.
Dahil sa presensya ng mga sangkot sa korapsyon, 80% lamang ang pumapasok sa collecting agencies na malaki sana ang maitutulong sa mas nangangailangang kababayan.
Sinabi ni Jimenez na kung mawala ang problema, hindi na kakailanganing taasan ang buwis sa bawat taon subalit aayusin lamang ang koleksyon.
Muli namang inihayag ng PACC chairman na sakaling maibalik ang parusang kamatayan, isabay ang mga plunderers sa mapaparusahan kung umabot sa threshold na P25 million ang ninakaw sa pondo ng bayan.