-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Tinatayang aabot sa mahigit P700,000 ang naitalang danyos sa nangyaring sunog sa Katipunan National High School, Brgy. Uno, Katipunan, Zamboanga del Norte.

Ayun kay FO3 Nick Lindoncenon, nagsimula umano ang sunog sa Library Office ng paaralan at nadamay pati na ang Principal’s Office.

Napag-alaman na umabot sa isang oras ang sunog na itinaas pa hanggang sa ikatlong alarma bago ito tuluyang naapula.

Masuwerte namang walang naitalang nasugatan o nadamay sa nangyaring sunog.

Kasalukyan namang inaalam pa ang dahilan sa sa naturang insidente.