LEGAZPI CITY – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na handa na ang nakalaang P700 million na pondo sa pagbili ng inaning palay ng mga lokal na magsasaka sa Bicol.
Available na rin umano ang naturang pondo para sa procurement.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay NFA Bicol Director Henry Tristeza, umakyat na ang average local procurement ng ahensya sa 2,000 na sako sa bawat araw.
Inaasahang lalaki pa ito dahil malinaw ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilhin ang lahat ng aning palay ng mga magsasaka.
Ayon kay Tristeza, may 12 dagdag na buying stations sa Bicol para sa pagtanggap ng mga palay.
Mula naman sa kalagitnaan ng Oktubre hanggang Disyembre ang ‘peak season’ ng anihan sa Bicol.
Abiso pa ni Tristeza na patuyuin muna ang mga inaning palay upang mas malaki ang ‘take home’ na kita lalo na’t mas mahal ang bili ng tuyong palay kesa sa basa pa.