-- Advertisements --

Tinatayang nasa P708,000 halaga ng mataas na uri ng marijuana o kush ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa isang pantalan sa Clark, Pampanga.

Ayon sa BOC, idineklara umanong mga vintage pants at jeans ang mga nasa kahon nang dumaan ito sa isang x-ray machine kung saan mayroon umanong namataang mga hindi normal na hugis mula sa mga ito.

Agad na binuksan ng mga otoridad ang naturang package at tumambad sa kanila ang halos 472 na gramo ng marijuana.

Mabilis ding nakipagugnayan ang ahensya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police – Aviation Security Group, National Bureau of Investigation Pampanga District Office, Department of Justice, at opisyal ng Brgy. Dau sa Mabalacat City para maaksyunan agad ang insidente.

Samanatala, naglabas agad ng warrant to seize and detain the shipment ang BOC pagkatapos lumabas ang resulta ng mga ipinadalang samples ng ahensya sa PDEA.