-- Advertisements --

Naniniwala ang Malacañang na sapat ang P72.5 billion na inaprubahan ng Kongreso para sa pagbili ng COVID-19 vaccines para mabakunahan ang 60 million Pilipino.

Ang nasabing alokasyon ay nakapaloob sa 2021 national budget na niratipikahan ng Kongreso kagabi.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa scheme ng Department of Finance (DOF), hindi pa nga manggagaling sa national appropriations ang P72 billion na initially ay kakailanganin para sa 60 million katao na mababakunahan.

Ayon kay Sec. Roque, kabilang sa ibang funding sources ang multilateral institutions gaya ng Asian Development Bank (ADB) at World Bank (WB), domestic government financial institutions at bilateral negotiations sa mga bansang panggagalingan ng bakuna.

Batay sa inaprubahang budget sa Kongreso, kabilang sa P72 billion ang P2.5 billion mula sa regular funds ng Department of Health (DOH) habang ang iba ay manggagaling sa unprogrammed appropriations.