-- Advertisements --
Matatagpuan sa US ang itinuturing na pinakamahal na face mask sa buong mundo.
Nagkakahalaga ang nasabing face mask ng $1.5 milyon o mahigit P73 milyon.
Mayroon umano kasi ng 18-karat gold at 3,600 na diamond ang nasabing face mask.
Bukod pa sa mayroon din itong N99 filter.
Nagtulong-tulong ang nasa 25 katao para mabuo ang nasabing face mask.
Isa umanong hindi na nagpakilalang private collector ang nangontrata sa isang alahero mula sa Israel at pinagawa ang nasabing mask.
Kuwento ni Isaac Levy , may-ari ng Yvel Jewelry, isang Chinese na naninirahan sa US at matagal na niyang kakilala ang nagpagawa ng nasabing pinakamahal na face mask sa buong mundo.
Hindi naman nito tiyak kung gagamitin ba niya ito o ibebenta.