-- Advertisements --

Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang labis umanong gastos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga biyahe nito noong nakaraang taon na umabot ng P74-milyon.

Lumabas sa 2018 COA report na higit P110-milyon ang kabuuang gastos ng PDEA para sa local travels nito noong nakaraang taon.

Pero nabatid ng ahensya na P50-milyon mula rito ang hindi suportado ng mga opisyal na resibo, habang nasa P22-milyon naman ng liquidation report ang kulang umano ng dokumento.

“This situation is not in accordance with existing laws, rules and regulations and casted doubts on the validity, existence, occurrence and regularity of the claims.”

Iginiit ng state auditors ang nilalaman ng Government Auditing Code kung saan lahat ng ahensya ng gobyerno ay responsable sa pagbibigay dokumento sa liquidation reports nito.

Kaugnay nito, pinayuhan ng COA ang PDEA na kumpletuhin na ang supporting documents ng naturang milyones ng kinuwestyon sa lumabas na ulat.