-- Advertisements --
Aabot sa P78 milyon halaga ng smuggled at pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Subic.
Nakalagay ang nasabing mga sigarilyo sa dalawang forty-footer containers.
Nakadeklarang laminating film ang laman nito na ipinadala sa Mysticflare Import and Export Co.
Matapos na siyasitan ng mga otoridad ang laman nito ay agad nila itong kinumpiska.
Naglabas kaagad ng warrant of seizure ang ahensya laban sa nagpadala dahil sa paglabag sa National Tobacco Administration (NTA).