-- Advertisements --

Naglaan ang Department of Agriculture (DA) na P795 million na pondo bilang quick response fund (QRF) sa mga magsasaka na apektado ng nagdaang bagyong Quinta.

Sa monitoring ng ahensiya, umabot na sa kasi sa P705.87 million o katumbas ng 33,545 metric tons ang sinira ng bagyo mula sa agriculture at fisheries sector.

Aabot naman sa 25,483 mga magsasaka at mangingisda ang apektado na nagmula sa Ilocos Region, Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.

Sinira ng bagyo ang mga pananim na palay, mais, high-value crops, fisheries, livestock, irrigation, at agri-facilities ng mga magsasaka.

Maliban sa quick response fund makakatanggap din ang mga magsasaka ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at Indemnification funds from Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).