-- Advertisements --
Matagumpay na nakumpiska ng mga awtoridad ang aabot sa P7 million halaga ng shabu sa pag-iingat ng isang 31 anyos na lalaki.
Ito ay resulta ng kanilang isinagawang operasyon sa Barangay Bulacao, Cebu City.
Ayon sa pulisya, ang naturang suspect ay itinuturing na high-value individual sa kanilang lugar.
Paliwanag ni Mambaling Police Station head Police Major Bethooven Taneo, nakorner nila ang suspect dala ang mahigit isang kilo na shabu na tinatayang may street value na P6,949,000.
Mahaharap naman ang suspect sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.