-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang indibidwal kabilang na ang isang 68-anyos na Lola matapos masabat ng otoridad ang higit P8.1 million na halaga ng suspected shabu sa drug buybust operation sa Zone 6, Barangay Buhang, Jaro Iloilo City.

Ang mga arestado ay sina Estrelita Bueno alias “Madam Ester” na residente ng Novaliches, Quezon City at Noe Llagas, 27, residente ng Jaro, loilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Rommel Anicete, chief ng Regional Police Drug Enforcement Unit VI, sinabi nito P72,000 ang unang transaksyon sa lalaki, at nang humingi ang police poseur buyer ng karagdagang sachets, inabisuhan silang maghintay sa paparating na stocks.

Doon at dumating ang Lola kung saan itinago pa sa karton ng powdered milk ang sachets ng illegal drugs.

Ayon kay Anicete, anim na buwan nang mino-monitor ang Lola na isang high-value indibidwal dahil pabalik-balik umano ito sa Luzon at Iloilo sakay sa Roll-On Roll-Off (RoRo) vessel.

Depensa naman ni Madam Ester, inutusan lamang siya ng isang babae sa Quezon City na ihatid ang bag savIloilo City at ibigay sa isang lalaki.

Itinanggi nitong alam niya na iligal na droga ang laman ng bag at sumunod lamang umano siya sa utos dahil may bayad na P10,000.