-- Advertisements --
Aabot sa P8.3 bilyon na halaga ng claims sa loob ng dalawang taon ng mga pagamutan ang tinanggihan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ito ang ibinunyag ni PhilHealth Director Dante Gierran sa pagdinig ng budget ng ahensiya sa Senado.
Sinabi nito na ang nasabing halaga ay mula Enero 1, 2020 hanggang Oktubre 6, 2021.
Nangangamba naman dito si Senator Nancy Binay na baka mapilitan ang mga pagamutan na isingil ang medical cost sa mga pasyente.
Paglilinaw naman ni Gierran na ang maari pa naman na iapela ng mga pagamutan ang nasabing mga denied claims.