Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot sa P8.3 million na ayuda ang kanilang naipamahagi sa libo-libong pamilya na apektado ng supertyphoon Rolly.
Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista maliban sa mga family food packs, food and non-food items, nagsasagawa rin sila ng psychosocial first aid intervention sa mga apektadong pamilya katuwang ang Department of Health at pribadong sektor.
Tiniyak din nito na sapat ang pondo para itulong sa mga kalamidad.
Aniya, mayroong nakahandang stockpile at standby fund na nagkakahalaga ng P866 million.
Dagdag pa nito na nasa P281.2 million ang standby funds habang P239.7 million ang pondo para naman sa quick response na ipamamahagi sa kanilang mga field offices.
“Ang QRF ay bahagi ng standby funds para sa relief at rehabilitation tuwing may kalamidad.
Napag-alaman na ang Region 5 ay siyang may pinakamalaking bilang ng mga evacuee na umabot sa 27,540 families or 109,961 individuals na nakatira ngayon sa 1,024 evacuation centers.
Sinundan ito ng Calabarzon na may 20,915 families o 77,428 individuals na nakatira sa 832 evacuation centers.