Nasabat ng Bureau of Customs (BOC), sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), ang pagpasok ng mga agriculture products na walang clearance.
Naharang ang mga ito sa Manila International Container Port (MICP), matapos malaman na hindi rin sakop ng kinakailangang import sanitary clearance mula sa Bureau of Plant Industry (BAI).
Ayon sa BOC, labag sa batas ang pag-aangkat ng produktong agrikultura alinsunod sa umiiral na mga batas.
Maaari kasing makapagpasok ito ng mga peste o iba pang problema sa mga sarili nating pananim, kung hindi dadaan sa proper inspection.
Ang illegal shipment na ito ay sinasabing nagmula sa Thailand, na binubuo ng 3,200 karton ng sariwang dalandan na nagkakahalaga ng PHP 8.4 million.
Maging ang mga karne, itlog at iba pang produkto ay hindi rin pinahihintulutang makapasok sa bansa, kung walang sapat na pagsusuri ng mga kaukulang ahensya.