Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P8.005 billion para masaklaw ang mga kailangang pondo ng Department of Health para sa pagpapatupad ng mahahalagang health programs nito.
Kabilang na ang medical assistance para sa mga mahihirap at health emergency allowance para sa mga health at non-health workers.
Ayon sa DBM, naglaan ng P2.439 billion para sa Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) habang nasa P5.566 billion naman ang alokasyon para sa Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) for Healthcare and Non-Healthcare workers.
Sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients, magagamit ito para sa hospitalization at medical support ng mga mahihirap at kapos sa pinansiyal na mga pasyente kabilang dito ang in-patient, out-patient, comprehensive check-ups at emergency services, mga gamot, at professional fees.
Saklaw naman ng Public Health Emergency Benefits and Allowances ang lahat ng benepisyo ng healthcare workers kabilang na ang One Covid19 Allowance, Special Risk allowance, Covid-19 Sickness and Death Compensation, at iba pang mga benepisyo gaya ng meals, accommodation, at transportation allowance.