-- Advertisements --
Pumalo pa sa P8 billion ang pinsala at nawala sa sektor ng agrikultura dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyo.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), kasalukyang nasa 113,479 magsasaka at mangingisda mula sa 11 rehiyon na karamihan sa bahagi ng Visayas at Mindanao ang apektado ang kabuhayan.
Umaabot naman ang volume ng production loss sa 171,222 metric tons kung saan apektado dito ang mahigit 300,000 ektarya ng agricultural areas.
Dahil dito, apektado ang ilang mga commodities gaya ng mais, bigas, high value crops, niyog, sugarcane, livestock at fisheries gayundin ang nakapagtala ng pinsala sa mga agricultural infrastructure, mga kagamitan at machineries sa agrikultura.