CAGAYAN DE ORO CITY -Tinutugis nang pinag-isang operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency,Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang hindi muna pinangalanan na may-ari ng tatlong ektarya ng marijuana plantation sa masukal na kagubatan ng Barangay Ragayan, Maguing, Lanao del Sur.
Ito ay matapos ligtas na na napasok ng tropa ang nasa walong piso na halaga ng plantasyon ng marijuana na unang pinaniwalaan na binigyang proteksyon ng ilang miyembro ng rebeldeng New People’s Army at moro rebels na nakabase sa lugar.
Sa inilahad ni Lanao del Sur Provincial Director Col Christopher Panapan na bagamat walang naabutan ang pinag-isang government forces operation subalit tuloy-tuloy ang kanilang pangangalap ng impormasyon para matukoy ang financier o may-ari ng plantasyon.
Sinabi ni Panapan na hindi na ibinaba ng PDEA Lanao del Sur Provincial Office ang ‘uprooted’ na mahigit 10,000 fully-grown marijuana plants at pinag-desisyunan na sunugin ang mga ito para hindi na magagamit pa ng mga sindikato sa lugar.
Pinasamalatan naman ng government operating troops ang ilang Maranao residents na mismong nagsumbong sa kanila upang malipol ang nabanggit na ilegal na droga.