-- Advertisements --

CEBU – Arestado ang dalawang magsasaka matapos itong nag-cultivate ng marijuana plants sa Sitio Quo, Barangay Gaas, bayan ng Balamban, Cebu.

Kinilala ang mga inaresto na sila si Tisi Palando at Rodrigo Cabalis, habang nananatiling at-large ang isa pa na si Lordi Pragosa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Police Major Christian Torres, ang hepe ng Balamban Police Station, sinabi nito na may nag-report sa kanila patungkol sa aktibidad ng mga nasabing magsasaka.

Kasama ng kapulisan ng Balamban ang PDEA 7, Cebu Provincial Police Office (CPPO) at Naval Forces Central Command, kung saan nabunot ng mga operatiba ang mahigit 20,000 fully grown marijuana at nakuha nila ang 2,000 seedlings.

Ayon kay PMaj. Torres na umabot ng mahigit P8 milyon ang halaga ng marijuana ang kanilang nabunot.

Aniya, nasa 10 ektaryang lupa ang tinaniman ng marijuana.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na ito na ang ika-anim na operasyon na naisagawa ng kapulisan kung saan nabunot ang milyong-milyong halaga ng marijuana sa nasabing bayan ng Balamban.