Aabot sa Php8-million ang katumbas na halaga ng mga nasabat ng smuggled na sigarilyo ng Naval Forces Eastern Mindanao sa bahagi katubigang sakop ng Sultan Kudarat sa South Cotabato.
Ito ay sa gitna ng isinasagawang territorial defense operations ng BRP Artemio Ricarte na nasa ilalim ng operational control ng Naval Task Force 71 sa katimugang bahagi ng Eastern Mindanao.
Sa kasagsagan ng naturang operasyon ay naharang ng mga tauhan ng Naval Forces Eastern Mindanao ang MB Queen Juhaya matapos nitong tangkaing takasan ang mga otoridad na nagresulta naman sa “interception”.
Narekober mula sa naturang bangka ang nasa 527 master cases na smuggled na sigarilyo, at isang hindi rehistradong baril.
Habang anim na mga Pilipinong Crew, kasama ang isang hindi pa dokumetadong Malaysian national naman ang mga naarestong lulan ng nasabing motorbanca.
Samantala, agad namang itinurn over ng mga otoridad ang mga nasamsam na ebidensya at dinala sa Capt. Feranil Pier, Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City.