Nasa Php8-million na halaga ng tulong ang inilaan ng Office of the Civil Defense para sa lalawigan ng Batanes na madalas na sinasalanta ng bagyo.
Bahagi ito ng paghahanda ng naturang kagawaran para sa papalapit na La Niña Phenomenon kung kailan inaasahan din ang pagpasok ng mas maraming pag-ulan.
Kabilang sa mga assistance package na inihahanda ng ahensya para sa nasabing lalawigan ay pitong generator sets, non-food items, shelter repair kits, hygiene kits, at iba pa na inaasahang makakatulong sa mahigit 400 pamilya sa nasabing lugar.
Ayon kay OCD Administration Usec. Ariel Nepomuceno, ang mga ito ay kasalukuyan nang naka-preposition at maaaring agad na magamit ng mga residenteng maaapektuhan ng pananalasa ng La Niña Phenomenon.
Samantala, lubos naman na nagpasalat si Batanes Governor Marilou Cayco sa natanggap na donasyon mula sa pamahalaan.