Aabot na sa mahigit P80-M na halaga ng pondo ang ipinamahagi ng DA-Agricultural Credit Policy Council para sa mga magsasaka na apektado ng umiiral na El Nino Phenomenon sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ito ay isang credit funding sa mga tinamaan ng naturang weather phenomenon sa Oriental Mindoro.
Kabilang sa mga makikinabang rito ang mga magsasaka na mula sa Bulalacao at Mansalay sa naturang lalawigan na isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño.
Ito ay sa ilalim pa rin ng Survival and Recovery (SURE) Assistance Program ng ahensya.
Dito ay maaaring mag loan ang mga maliliit na magsasaka ng aabot sa P25,000 loan na walang interest, collateral at ito ay maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon.
Namigay rin ang ahensya ng cash assistance, binhi ng palay, corn, assorted vegetables, at fuel assistance sa mga magsasakang apektado ng El Niño sa bansa.