-- Advertisements --

Aabot sa mahigit P802 milyon na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska mula sa isang lalaking Chinese sa Barangay Sienna, Quezon City.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) special enforcement team leader Lorenzo Advincula Jr, halos isang buwan nilang minanmanan ang suspek na si alyas Francis bago isagawa ang pag-aresto dito.

Nakabili na ng 2 kilo ng shabu ang mga otoridad subalit ng kanilang aarestuhin ang suspek ay bigla na lamang itong tumakbo sa kaniyang bahay.

Nagulat na lamang ang mga otoridad ng makita sa loob ng bahay ng suspek ang aabot sa 118 kilo ng shabu.

Nakalagay pa ang mga ito sa isang tea pack.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang posibleng kasamahan pa ng suspek.