BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa 800,000 pesos ang halaga sa ilegal na droga ang nakumpiska sa buybust operation kaninang alas 3:30 sa hapon sa may Purok 3, Brgy. Poblacion. Trento, Agusan del Sur kungsaan dalawang Ginang ang naaresto.
Isinagawa ang operasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Surigao Del Norte kasama ang Agusan Del Sur Police Provincial Office, Dinagat Island Police Provincial Office at Trento MUnicipal Police Station.
Nakilala ang naaresto na sina Amicar Matrido Flores, 40-anyos, at Vivian Carreon Cagabhion, 47-anyos parehong may-asawa na taga Davao. Nakumpiska sa posisyon ng dalawa ang 5 heat-sealed transparent plastic sachets sa pinaniniwalaang shabu na may bigat na 50-gramo.
Kasama sa nakuha ang isang one thousand peso na nagsilbing marked money at 249 na tag-iisang libo na boodle money, dalawang unit sa cellphone at mga identification cards.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II sa RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.