Naglaan ng P800 million ang pamahalaan para sa konstruksiyon ng bagong pantalan sa kalayaan island sa West Philippine Sea para palakasin pa ang maritime security sa isla at upang may mapupuntahan ang mga nabubully na mangingisda sa gitna ng maritime dispute.
Isinama ang naturang pondo sa 2024 General Appropriations Law sa gitna na rin ng nagpapatuloy na pagtatayo ng artificial building sa Spratly island.
Ito ay hiwalay pa sa P1.5 billion na inilaan para sa pagpapalawig naman ng airport sa pag-asa island.
Ayon kay House committee on appropriations vice chair at Makati City 2nd District Rep. Luis Campos Jr. itatayo ang bagong port sa may Lawak island na ikalawa sa pinakamalaking landmass sa Kalayaan island na matatagpuan sa hilagang silangang bahagi ng Spratly archipelago.