-- Advertisements --
image 5

Nasa 169 paaralan ang nasira dahil sa pananalasa ng bagyong Egay at habagat ayon sa Department of Education (DepEd).

Ang mga paaralang napinsala ay naitala sa 9 na rehiyon kabilang ang Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Region I, Region II, Region III, CALABARZON, MIMAROPA, Region V, at Region VIII.

Ayon sa DepEd, nasa P180 million ang tinatayang halaga para sa reconstruction at rehabilitasyon ng napinsalang mga paaralan.

Ayon pa sa ahensiya, noong July 25 nasa 68 paaralan ang ginamit bilang evacuation centers sa apat na rehiyon gaya ng CAR, Region II, Region III, at VI.