Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na aabot na sa P82.49 billion o P58.9 percent na pondo ng Bayanihan 2 ang nailabas ng kanilang ahensya.
Sinabi ni Budget Assistant Secretary at spokesman Rolando Toledo, naipamahagi na ng DBM sa iba’t ibang departamento at ahensiya ang Special Allotment Release Orders (Saros) may kaugnayan sa Bayanihan 2.
Base sa talaan ng ahensiya, ang Department of Health (DoH) ang siyang nakakuha ng pinakamataas na pondo na nagkakahalaga sa P21.57 billion; Department of Agriculture or DA (P15.28 billion); Department of Labor and Employment or DOLE (P13.1 billion); Department of Finance or DOF (P10.542 billion); at Department of Transportation (P9.5 billion).
Napag-alaman na aabot na sa P476.214 billion ang nailabas ng gobyerno para sa COVID-19 response.
Sa nasabing halaga, P217.417 billion nito ay napunta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD); DOF ( P99.563 billion), DOH (P73.238 billion), DA (P26.662 billion), at DOLE (P25.683 billion).