DAGUPAN CITY — Umakyat na sa P82 million ang naitalang inisyal na danyos sa lalawigan ng Pampanga dahil parin sa malawakang pagbahang nararanasan doon dulot ng masungit na lagay ng panahon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, ang naturang pinsala ay naitala sa mga imprastraktura.
Inilikas narin ang nasa 280 katao o katumbas ng 54 pamilya mula sa bayan ng Apalit.
Samantala, isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Macabebe dahil sa nararanasang pagbaha.
Sa kasalukuyan, lubong parin sa baha ang 15 barangay sa bayan.
Mabilis na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Macabebe ang resolusyon upang maideklara ang state of calamity para mabilis na maihatid ang tulong sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang calamity fund.