-- Advertisements --
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P83 million halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang bodega sa Bocaue, Bulacan noong Abril 24.
Ayon kay BOC-CIIS Director Verne Enciso, nagsimula ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa iligal na kalakal sa lugar.
Sa isinagawang raid, nakumpiska ang 717 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo at anim na truck na may kargang sigarilyo rin. Ilan sa mga brand na nasabat ay Modern, Two Moon, Tattoo, Fort, at Chesterfields.
Kasama ng BOC sa operasyon ang Philippine Coast Guard-Task Force Aduana at PNP-CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit.
Sa ngayon, naka-seal na ang bodega habang isinasagawa ang full inventory, at nagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa mga responsable.