Arestado ang magtiyahing umanoy tulak ng droga sa Quezon City matapos makuhanan ng mahigit P840,000 halaga ng marijuana.
Pasado alas-10 ng gabi nang mahuli ang 2 tulak sa Barangay Pasong Tamo. Nakatanggap umano ang pulisya ng impormasyon na magkakarooon ng bentahan ng marijuana ang 2 lalaki sa naturang lugar kaya agad naman itong nirespondehan.
Unang naaresto ang isang lalaki na nakuhanan ng 4 na sachet ng marijuana habang nakatakas naman ang isa pang lalaking sinasabing pinsan niya.
Nahuli rin sa lugar ang tiyahin ng lalaki at ang nanay ng nakatakas na lalaki habang nagre-repack ng marijuana, ayon kay Police Lt. Col. May Genio, station commander ng Quezon City Police Station 14.
Ayon pa kay Genio, 6 na buwan na nilang minamanmanan ang mga suspek at mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 habang patuloy na tinutugis ang isa pang nakatakas na suspek.