Nasabat ng mga awtoridad ang hindi baba sa P85 million halaga ng hinihinalang ipinuslit na poultry products mula sa China na walang buwis sa loob ng warehouse sa Parañaque City.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), habang tinatayang nasa P85 milyon ang inisyal na imbentaryo, ang aktwal na halaga ng kargamento, kabilang ang frozen na karne ng baboy, itik at manok, at mga pagkain na may Chinese markings, ay hindi pa matukoy ng mga examiners.
Bibigyan ng BOC ang warehouse owners ng 15 araw para e presenta ang mga kinakailangang dokumento para na rin malinis ang alegasyon na “hoarding imported products” ang ginagawa nila.
Sakaling mabigo ang mga ito na magsumite ng tamang dokumento, mahaharap sila sa mga kaso na lumalabag sa provisions of the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) on misdeclaration of goods.