-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umaabot sa halagang P850,000.00 ang nakumpiskang suspected shabu ng mga otoridad sa inilunsad nilang drug-buy bust operation kaninang alas-12:20 ng madaling araw sa Purok 3, Brgy. Libertad nitong lungsod ng Butuan.

Napag-alamang umabot sa 125-gramos ang timbang ng 13 selyadong plastic sachets ng suspected shabu ang nakumpiska mula sa posisyon ni Jalil Basar Ampaso, 28-anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Purok 11, Brgy. Ong Yiu nitong siyudad.

Nasa kostudiya na ng Regional Drug Enforcement Unit-13 ang nasabing ilegal na druga para sa tamang disposasyon kasama na ang iba pang mga nakuha mula sa kanyang posisyon gaya ng isa pang sachet ng suspected shabu bilang buy-bust item, improvised glass pipe at aluminum gutter na parehong may traces pa ng shabu, isang electronic weighing scale, cell phone, mga drug paraphernalia, at motorsiklo.