KORONADAL CITY – Pinangangambahang madadagdagan pa ang naitalang danyos sa mga public infrastructure matapos ang pagtama ng magnitude 6.3 na lindol at mga nararanasang aftershocks sa malaking bahagi ng Mindanao lalo na sa Region 12.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Department of Public Works and Highways spokesperson Ellen Torino, umaabot na sa P86 million ang initial damage na naitala sa mula sa North Cotabato, Sultan Kudarat at ilang bahagi ng South Cotabato kung saan karamihan sa mga nasira ay ang mga tulay at mga pangunahing daan gaya ng Olandang Bridges sa Midsayap-Makar road, Malupog at Malitubog bridges sa Banisilan-Guiling Road, Dualing Baliki Silik Road, Marbel-Makar road, Maitum-Lake Sebu Road it iba pa.
Samantala ilang mga public buildings din na nangangailangan ng full rehabilitation kagaya ng Hall of Justice ng Sadaan sa Cotabato City at nakapagtala naman ng cracks sa mga pader ng Aleosan District Hospital sa Dualing, Cotabato City.
Dagdag pa nito na nakapagtala din ng mga nasirang school buildings sa Nort Cotabato, Tacurong City at President Quirino, Sultan Kudarat.
Sa ngayon may task force ng tumututok sa pagsasaayos ng mga nasirang public infrastructure.