-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang halaga na Php862 million na marijuana ang sinira sa ng mga otoridad sa lalawigan ng Kalinga.

Ito ay sa kasagsagan ng ikinasang siyam na araw na operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group, katuwang din ang National Intelligence Coordinating Agenct, Philippine Coast Guar, Philippine Army, at Philippine Air Force kung saan binunot at sinunog ang mga marijuana sa isang plantation sa Mount Chumanchil sa Barangay Loccong at Barangay Buscalan sa Tinglayan, Kalinga.

Sa ulat, may lawak na 195,100 square meters ang naturang marijuana plantation na mayroong aabot sa 3,349,500 piraso na ng mga fully grown marijuana plants at 1,575kg ng mgo tuyong dahon ng marijuana ang nasabat.

Ayon kay PNP Drug Enforcement Group, ang pagsira sa mga halamang ito ay hindi lamang nakagambala sa supply chain ngunit nagsilbi rin na isang hadlang sa mga potensyal na magsasaka, na nagpapahiwatig ng mga panganib na nauugnay sa naturang mga ipinagbabawal na gawain.