Nasa 47 mga government owned and controlled corporations o gocc’s ang nag remitt sa national government ng kanilang remittances para sa taong 2023 hanggang nitong May 2024 na nagkakahalaga ng P88.6 bilyong piso.
Sa ceremonial turn over GOCC day na ginanap sa PICC ngayong umaga, ang Land Bank of the Philippines (LBP) ang nangunguna sa mga GOCC na nakapag remit sa pamahalaan ng P32.119 bilyong piso.
Pangalwa sa top 5 na ahensiyang may pinakamataas na remittance ay ang Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC na nakapag remit ng P10.676 bilyong piso.
Ikatlo sa pwesto ang Bangko Sentral ng Pilipinas na may P9.200 bilyong pisong remittance.
Ikaapat ang Philippine Ports Authority (PPA) na may 5.058 bilyong pisong nai remit sa national goverment.
Pang lima sa pwesto ang philippine amusement and gaming corporation o pagcor na nakapag remit ng P4.596 bilyong piso.
Kabilang din sa mga GOCC na may mataas na remittance ay ang Manila International Airport Authority (MIAA), Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine National Oil Company (PNOC) at National Transmission Corporation.
Nagpatupad naman ang DOF ng monitoring system para matiyak na nakapag- remit ang GOCCs ng tamang halaga sa Bureau of Treasury.
Inihayag naman ng DOF na ang nako kolektang remittances mula sa gocc’s ay malaki ang maitutulong para sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng gobyerno, matugunan ang fiscal deficits ng bansa nang hindi kinakailangang magpataw ng panibagong buwis at maipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga social programs ng pamahalaan.