CENTRAL MINDANAO-Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 11346 or the Tobacco Tax Law of 2019 ang tatlong katao na nahulihan ng halos P900,000.00 na smuggled cigarettes sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Mark Barte Villarin, 37-anyos ,driver at dalawang kasama nya na sina Gerald Falconite Vilalrin, 21-anyos at Abdulhaber Maladia Mohammad, 18-ayos, lahat mga residente ng Zamboanga City.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na tumaggap sila ng ulat sa mga smuggled cigarettes na idadaan sa probinsya patungong Zamboaga City.
Agad nagsagawa ng sorpresang PNP Checkpoint ang pinagsanib na pwersa ng Police Regional Office 12, 1st CPMFC; CPPO-PIU; Pikit PNP at Aleosan PNP sa Barangay Bagolibas Aleosan Cotabato.
Pagdaan ng panel truck ay doon na ito hinarang ng mga pulis at nadiskubre ang nagkakahalagang 890,000.00 pesos na smuggled cigarettes.
Walang naipakitang sapat na dokumento ang mga suspek sa karga nilang smuggled cigarettes kaya agad itong hinuli.
Matatandaan na noong nakalipas na lingo ay nasabat rin ng PNP-12 ang malaking halaga ng smuggled cigarettes sa bayan ng Makilala Cotabato.
Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Aleosan PNP at patuloy na iniimbestigahan.